Nakaranas ng ‘adverse reaction’ dahil sa COVID-19 vaccine, mahigit 24-K

UMABOT na sa 24,698 ang naitalang suspected adverse events following immunization (AEFIS) o adverse reaction matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Batay ito sa inilabas ni datos ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.

Ayon sa FDA, karamihan sa insidente ay non-serious event pero 344 ang ikinokonsiderang serious adverse reactions.

Sa mahigit 1 milyon naman na nabakunahan, 24 ang napaulat na nasawi matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccines dahil sa iba’t ibang rason.

Sinabi ni Domingo na 11 ang namatay dahil sa COVID-19, 8 sa cardiovascular o cerebrovascular, 3 dahil sa iba pang infectious disease at ang 2 ay nakabinbin pa ang review.

Sa 24,698 na nakaranas ng adverse reaction, 7,044 ang nabakunahan ng Sinovac at 17,654 ang tumanggap ng AstraZeneca.

(BASAHIN: Canada, binalaan ang mga taong allergic sa sangkap ng bakuna ng Pfizer-Biontech)

SMNI NEWS