Nakatakdang plebisito sa BARMM, hinarang ng Korte Suprema

Nakatakdang plebisito sa BARMM, hinarang ng Korte Suprema

INATASAN ng Korte Suprema ang Commission on Elections (COMELEC) na itigil ang plebisito para sa paglikha ng tatlong bagong bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na ito ay matapos na idineklara ng Supreme Court na labag sa Saligang Batas ang Section 5 sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54, at 55.

Nakasaad aniya sa nasabing  probisyon na tanging ang mga kuwalipikadong botante lang sa mga barangay sa mga bagong munisipalidad ang boboto sa plebisito.

Sinabi ni Ting na sa ruling ng Korte Suprema ay dapat mga kuwalipikadong botante sa mga parehong bago at pinanggalingang munisipalidad ay kasama sa plebisito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble