UMABOT na sa P18.8-M ang kabuoang barya na nakolekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula sa kanilang inilunsad na coin deposit machines.
Batay ito sa update hanggang nitong Agosto 4.
Katumbas ito sa 10,900 transaksiyon na isinagawa hanggang Hulyo 31, 2023 o isang buwan matapos itinayo ang coin deposit machines noong Hunyo 20.
Magugunitang nakipag-ugnayan ang BSP sa SM, Robinsons at Festival Malls para sa coin recirculation program.
Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng deposit machines ang nabanggit na mga mall.
Ang mailalagak na barya ng isang tao doon ay may katumbas na halaga na ibibigay sa pamamagitan ng GCash na maaaring gamitin para sa SM shopping vouchers.