UMABOT sa 44.19 tonelada o 16 truckloads na basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nagdaang Semana Santa.
Iyan ay mula sa isinagawang paglilinis sa mga bus terminals, simbahan, at sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa pangunguna ng mga street sweeper ng MMDA Metroparkways Clearing Group.
Nanawagan naman ang MMDA sa publiko na magtulungan sa pagpapanatili ng malinis na lansangan at pagtapon sa tama ng mga basura.
Ito anila ay para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.