Nalimbag na balota para sa midterm elections, higit kalahati na—COMELEC

Nalimbag na balota para sa midterm elections, higit kalahati na—COMELEC

NAIMPRINTA na ng COMELEC ang higit kalahati sa kinakailangang mga balota para sa midterm elections ngayong Mayo.

Sa tala, nasa 45.65 milyon na mula sa 72.09 milyon na mga balota ang nalimbag ng komisyon.

Kung titingnan ay nasa 26.45 milyon nalang ang natitirang kailangang limbagin.

Para mapadali ang proseso ay pinagtulungan itong gawin ng Miru systems at National Printing Office (NPO).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble