KINORONAHAN si Chanique Rabe ng Namibia matapos manalo sa 2021 Miss Supranational na ginanap sa Malopolska, Poland, noong Agosto 21, 2021 (Agosto 22 sa Pinas).
Si Rabe ang kauna-unahang African na nakasungit ng korona laban sa 57 na kandidata mula sa buong mundo.
Ang ika-12 na edition ng international pageant ay orihinal na naka iskedyul ganapin last year ngunit dahil sa pandemic ay napagdesisyonan ng mga organizers na i-postpone na muna at i-extend si 2019 Queen Anntonia Porsild ng Thailand.
Si Puerto Rico Karla Acevedo naman ang nakasungkit ng 1st runner-up, 2nd runner-up si Thato Mosehle ng South Africa, Venezuela Valentina Sanchez ang 3rd runner-up at 4th runner-up si Dominican Republic Eoanna Consranza.
Umabot naman sa top 12 ang pambato ng Pilipinas na si Dindi Pajares at naiuwi ang 1st runner-up bilang ”Miss Elegance”.