Napabalitang pagbabalik ng Friendster, walang kinalaman kay PBBM –tech expert

Napabalitang pagbabalik ng Friendster, walang kinalaman kay PBBM –tech expert

NAGSULPUTAN kamakailan ang mga post sa social media ng pagbabalik ng Friendster.

Ito ang sikat na social media application noong early 2000’s.

Pero ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), fake news ito dahil hindi magbabalik ang Friendster.

At ginagamit daw ito ngayon sa phishing na ginagawa ng mga sindikato para ma-access ang social media accounts ng mga bibiktimahin.

Sa panayam ng SMNI sa tech expert na si Art Samaniego, nilinaw rin nito ang mga bali-balitang may kaugnayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang napaulat na paglitaw uli ng Friendster.

Batay sa pahayag ni Samaniego matapos nitong makausap ang web developer na gumawa ng fan site ng Friendster na pinag-ugatan ng isyu.

“‘Yung nakikita na’to ng mga tao, pinagbintangan pa na ano raw to pakulo ni BBM? Kasi daw ang unang nag-share nito yung page na supporter ni BBM. So noong tinanong ko tong tao na to, kilala mo ba si BBM ang sabi niya kilala niya pero not in any way na connected siya kay BBM,” saad ni Art Samaniego, tech editor.

Diin pa ni Samaniego na sinabi sa kanya ng web developer na may pakana ng isyu na hindi nito layon na gamitin sa phishing ang Friendster fan site.

Ginawa raw ito ng web developer dahil nostalgic ang panahon ng kasikatan ng Friendster.

At purong pangkatuwaan lamang daw ang fan site.

“Kung titignan natin noong tinanong ko siya, scammer ka ba? Sabi niya hindi kasi ang kino-kolekta niyang data yung mga data lang na available. Saka yung pangalan saka address pwede ka namang gumamit ng ibang pangalan at address doon sa ginawa niyang website. So ito talaga fan site lang siya. Pero tama din naman ang DICT na magbigay ng warning kasi yun nga hindi alam ng mga ito tao na hindi ito yung tunay na Friendster,” dagdag ni Samaniego.

Pero ano nga ba ang nangyari sa Friendster? Na noo’y number 1 social media application.

At may pag-asa pa ba itong makabalik sa sirkulasyon?

 ‘So noong 2003 tinatag yung friendster.com tapos noong mid 2000 nabili siya ng isang Malaysian company pero pabulusok na siya. Andami nang problema niya, hindi na inabot ng… hindi na siya sumikat talaga, yung web development niya wala na. Oo, napaglipasan siya. So nagsara siya noong 2015. So ini-stop niya ang operation niya noong 2015 tapos noong 2018 completely dissolved na talaga, nag-closed na sila,” aniya pa.

Kahit sarado na ang Friendster, ang domain na friendster.com ay naka-reserved pa rin ani Samaniego.

Marahil, hindi na naabutan ng millennials ang Friendster.

Pero para sa mga inabot ito, never na itong mawawala sa ating mga alaala.

“Kasi hindi raw nawala… hindi nagbabalik ang Friendster, kasi hindi siya nawala. Ang Friendster na sa puso ng mga gen-exers,” ani Samaniego.


Follow SMNI NEWS in Twitter