Nasa Quadcom, dapat isali sa imbestigasyon sa war on drugs—kongresista

Nasa Quadcom, dapat isali sa imbestigasyon sa war on drugs—kongresista

HINDI mangyayari ang war on drugs ng Duterte administration kung hindi ito suportado ng taong bayan at pinayagan ng Kongreso noong 17th at 18th Congress.

Ito ang sinabi ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez hinggil sa ginagawang mga imbestigasyon sa drug war campaign ng nakaraang administrasyon at laban sa dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kaniyang paliwanag, kung iisipin, kayang-kayang manghimasok ng Kongreso noon sa drug war campaign subalit hinayaan nila ito at ginawa pang lehitimo lalo na’t pinaglalaanan ito ng pondo.

Ang Philippine National Police (PNP) ay binigyan din ng kapangyarihan para pangunahan ang kampanya.

Matatandaan pa aniya na sa bawat SONA ni FPRRD, pumapalakpak ang Kongreso at kasama na rito ang mga nasa Quadcom ngayon ngunit sa kasalukuyan, biglang nag-iba na ang ihip ng hangin.

Sa huli, kung guilty si dating Pangulong Duterte, ibig sabihin ayon kay Alvarez, guilty rin ang Kongreso sa drug war.

Suhestiyon pa ng kongresista, mas maganda kung isali sa imbestigasyon ang mga nasa-Quadcom ngayon dahil makikitang karamihan ng mga miyembro ng Kamara noon ay nasa 19th Congress pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble