UMABOT ng 60 paddle hits ang tinamong tama o palo ng biktimang si Alhdryn Bravante mula sa grupong Tau Gamma Phi PCCR Chapter nitong alas dos ng hapon, araw ng Lunes Oktubre 16, 2023.
Idineklarang dead on arrival si Alhdryn nang isugod ito sa ospital.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), bukod sa palo, nagtamo rin ng mga pasa sa dibdib ang biktima dulot ng mga paso mula sa sigarilyo.
Sa panayam ng SMNI kay QCPD Director PBGen. Red Maranan, agad na nilang pinakikilos ang mga imbestigador para sa karagdagang detalye sa pangyayari.
Habang posibleng maharap din sa reklamo ang tila kapabayaan ng may ari ng abandonadong gusali kung saan isinagawa ang hazing.