ANG bilang ng nasawi mula sa pagyanig noong araw ng Bagong Taon na tumama sa Ishikawa Prefecture at sa mga nakapalibot na lugar sa central Japan ay lumagpas na sa 200 katao.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malawakang search operation kung saan 100 katao ang nagtatrabaho para maghanap sa isang pamilihan sa Wajima.
Higit sa 28 libong katao ang patuloy na naninirahan sa evacuation centers sa Ishikawa Prefecture kung saan dose-dosena ang naiulat na mayroong COVID-19.
Tinataya naman na higit 80 paaralan sa Wajima at Suzu ang hindi nakapagsagawa ng pagbabalik-eskwela dahil sa mga nasirang pasilidad dahil sa lindol.
Noong Martes ay inaprubahan ng gabinete ni Prime Minister Fumio Kishida ang alokasyon na higit apat na bilyong yen mula sa reserve funds ng Fiscal 2023 budget para masuportahan ang mga biktima ng lindol.
Samantala, plano rin ng gobyerno na palakihin ang reserve funds mula sa 500 bilyong yen para sa fiscal year ngayong taon na magsisimula sa buwan ng Abril para pondohan ang disaster recovery projects.