UMABOT na sa 11 ang nasawi matapos araruhin ng isang sasakyan ang Lapu-Lapu Day Festival sa Vancouver, Canada.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente alas-8:14 ng gabi noong Abril 26, 2025.
Naaresto ang 30-anyos na suspek ayon sa Vancouver Police.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga biktima.
Kinondena rin ng mga senador ang insidente, kung saan sinabi ni Senate President Chiz Escudero na walang puwang ang ganitong karahasan.