Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay, 5 na—NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay, 5 na—NDRRMC

UMAKYAT na sa lima ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay sa bansa.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Hulyo 27.

Sa nasabing bilang, isa ang naiulat na nasawi mula sa CALABARZON at 4 sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Dalawa naman ang naiulat na nasaktan mula sa CALABARZON at Region 6.

Habang umabot na sa 89,639 pamilya o 328,356 indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 836 barangay sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 10, 12, Bangsamoro Autonomous Region, at CAR.

Pansamantalang sumisilong ang 5,950 pamilya o 19,826 indibidwal sa 306 evacuation centers sa iba’t ibang rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble