Nasawi sa PNP dahil sa COVID-19, nasa 75 na

Nasawi sa PNP dahil sa COVID-19, nasa 75 na

NASA 1,728 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP)

Ito ay mula sa 28,118 na kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pulisya.

Ayon sa PNP-COVID-19 cases update hanggang ngayong araw, Hulyo  2, nakapagtala ang pambansang pulisya ng 156 na panibagong kaso ng sakit.

Pumalo naman sa 26,315 ang mga nakarekober na PNP personnel sa coronavirus matapos itong madagdagan ng 152.

Isa naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya pumalo na sa 75 ang total death sa PNP..

SMNI NEWS