Natalong mayoral candidate sa San Fernando, Pampanga naghain ng protesta sa COMELEC

Natalong mayoral candidate sa San Fernando, Pampanga naghain ng protesta sa COMELEC

ISANG linggo pagkatapos ang halalan noong May 12, marami ang nagpahayag ng kanilang opinyon na nagkaroon ng dayaan sa halalan dahil na rin sa mga lumabas na isyu sa resibo at transmission ng mga boto.

Matatandaan na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy, ang kauna-unahang naglakas loob na manawagan sa COMELEC na magkaroon ng manual recount kasunod ng mga naiulat na discrepancies.

May mga local candidate na ring humihirit ng manual recount sa COMELEC kasabay ng paghahain ng election protest ngayong araw.

Ang natalong mayoral candidate sa San Fernando, Pampanga na si Mylyn Pineda Cayayab ang kauna-unahang naghain ng protesta matapos ang midterm elections.

Ang kaniyang election protest ay inihain ng kaniyang abogado, na may kalakip na mga kahong-kahong affidavit mula sa halos 13K botante na may mga reklamo.

Ayon sa abogado, posibleng may nangyaring dayaan lalo na’t imposible umano na talo ang kaniyang kliyente sa lahat ng presinto sa kanilang lugar.

Nanawagan silang magsagawa ng manual recount.

“It’s really possible that been some actions perpetrated individuals to really hijack the elections,” ayon kay Atty. Joseph Miranda, Legal Counsel ni Mylyn Pineda-Cayabyab.

Nagpapahayag din sila ng pagdududa sa posibleng anomalya sa transmisyon ng mga boto.

“Once you connect to the internet, may nakaabang na diyan na iba. Transmitted already,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble