National Building Code ng bansa, dapat strikto nang ipatupad—OCD

National Building Code ng bansa, dapat strikto nang ipatupad—OCD

IPINANAWAGAN ng Office of Civil Defense (OCD) ngayon ang striktong pagpapatupad ng National Building Code para sa mas epektibong paghahanda ng bansa sa lindol.

Inihalimbawa ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno rito ang West Valley Fault na hindi pa muling gumalaw simula noong 1658 o 367 taon na ang nakalipas.

Sa pagpapatupad ng tamang National Building Code, maiwasan aniya ang tinatayang 30,000 hanggang 50,000 na fatalities dahil sa posibleng 7.2 magnitude na lindol kung gagalaw muli ang nabanggit na fault.

Binabagtas ng humigit-kumulang 100 km na West Valley Fault ang Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa.

Dumadaan din ito sa Montalban at San Mateo, Rizal; GMA, Cavite; San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, at Calamba, Laguna; maging sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Kasabay rito, hinihikayat na rin ng OCD na sana’y mahinto na ang pagtatayo ng mga imprastraktura sa mga restricted o ipinagbabawal na mga lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble