National Day sa Malaysia, nakatakdang ipagdiwang sa Putrajaya ngayong taon

National Day sa Malaysia, nakatakdang ipagdiwang sa Putrajaya ngayong taon

SA ikalimang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada ay muling ipagdiriwang sa Putrajaya ang National Day ng Malaysia na taunang ipinagdiriwang sa bansa.

Inanunsiyo ni National Day and Malaysia Day (HKHM) 2023 Main Committee Chairman at Communications and Digital Minister Fahmi Fadzil na ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ngayong Agosto 31 ay gaganapin sa Putrajaya at magiging kasing engrande ito katulad noong nakraang taon.

Ang tema ng National Day ngayong taon ay Tekad Perpaduan Penuhi, harapan na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga pinuno at mamamayan ng Malaysia para sa ikauunlad ng bansa.

Sa araw ng pagdiriwang ay ipapakita sa security forces and contingents parades, gayundin ang pagtatanghal ng mga kanta at sayaw.

Taong 2003 nang isagawa ang 46th National Day Parade sa Putrajaya na kinasangkutan ng humigit-kumulang 23,000 kalahok, 63 contingents, 22 brass bands, 18 floats, 20 aircraft at 312 sasakyan.

Matatandaang ipinagdiwang ang National Day sa Muzium Negara noong nakaraang taon kung saan dinaluhan ng aabot sa isandaang libong indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter