National mourning isinagawa sa Myanmar kasunod ng pagtama ng lindol

National mourning isinagawa sa Myanmar kasunod ng pagtama ng lindol

INANUNSIYO ng Myanmar ang isang linggong national mourning o pagluluksa matapos ang isang malakas na lindol na pumatay doon ng mahigit-kumulang 2,000 katao.

Kasalukuyang nakahalf-mast ang pambansang watawat ng Myanmar at magtatagal ito hanggang Abril 6, 2025.

Ang hakbang ay bilang pakikiramay sa mga nasawi at napinsala mula sa 7.7-magnitude na lindol noong Marso 28.

Samantala, inilabas ang anunsyio dahil humihina na ang rescue efforts sa Mandalay, isa sa pinakamatinding naapektuhang lungsod at ang pangalawang pinakamalaking siyudad sa bansa na may mahigit 1.7 milyong residente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble