MALAKING hamon sa lokal na pamahalaan ng Butuan kung papaano panatilihin ang kalinisan ng Brgy. Masao lalo pa’t bahagi ito sa kasaysayan ng Pilipinas.
Isa ang Brgy. Masao sa mga napiling lugar kung saan gaganapin ang Simultaneous Coastal Clean Up bukas, Nobyembre 23, 2024.
Ito ay inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na may temang Kalinisan Tatag ng Bayan.
Layunin nito na matulungan ang lokal na pamahalaan na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng nasabing barangay at maibalik sa dating malinis at magandang lugar lalo pa’t isa rin itong tourist attraction ng lungsod ng Butuan.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal