PINANGUNAHAN ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. ang pag-aalay ng bulaklak sa “fallen soldiers” sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong araw.
Ito ay bilang bahagi ng nationwide wreath-laying ceremony kaugnay ng ika-88 anibersaryo ng Sandatahang Lakas sa Disyembre 21.
Sa kaniyang mensahe, kinilala ni Brawner ang pamana at kabayanihan ng mga magigiting na sundalo na nag-alay ng kanilang buhay para protektahan at ipagtanggol ang bansa.
Kasabay rito, nagsagawa rin ng wreath-laying ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City sa pinangunahan ni Brigadier General Armand Arevalo, Commander ng AFP General Headquarters and Headquarters Service Command.
Habang si Major General Ramon Guiang, Vice Commander ng Philippine Air Force ang nanguna sa wreath-laying ceremony sa Villamor Air Base, Pasay City.