Natitirang aktibong miyembro ng CTG sa lalawigan ng Cagayan, nasa 9 na lang

Natitirang aktibong miyembro ng CTG sa lalawigan ng Cagayan, nasa 9 na lang

NASA siyam na lang ang natitirang aktibong miyembro ng communist terrorist group (CTG) na New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay pinangungunahan ng isang “Ka Simoy”.

Base ito sa iprinisenta ng 17th Infantry Battalion sa isinagawa kamakailan na ika-apat na joint meeting sa pagitan ng mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Anti-Drug Abuse Council (ADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC.

Ayon kay Lt.Col. Oliver Logan, commanding officer ng 17th IB, anim mula sa nasabing bilang ay mula sa katutubong Agta na mula rin sa lalawigan ng Cagayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter