Natitirang CTGs sa lalawigan ng Abra, humihina na

Natitirang CTGs sa lalawigan ng Abra, humihina na

SENYALES ng pagkatalo, ito ang binitawang salita ni MGen. Audrey Pasia, ang commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng 50th Infantry Battalion at mga miyembro ng KLG-North Abra sa Malibcong, Abra, nitong araw ng Lunes.

Matatandaan na nagresulta ang naturang engkuwentro sa pagkakarekober ng 5 matataas na kalibre ng baril.

Ayon sa opisyal, patunay lamang aniya ito na patuloy ang paghina ng KLG North Abra dahil sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa natitirang kasamahan ng teroristang grupo o communist terrorist groups (CTGs).

Kasabay ang pangako na hindi titigil ang kasundaluhan sa pagtugis sa mga rebelde kaya mas mabuting magbalik-loob na lang sa pamahalaan at makasama ang kanilang mga pamilya ngayong darating na Pasko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter