Halos 90 natitirang miyembro ng NPA sa Davao del Norte boluntaryong sumuko

Halos 90 natitirang miyembro ng NPA sa Davao del Norte boluntaryong sumuko

AABOT sa 89 na mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsisikap na ginawa ng 56th Infantry Battalion sa ilalim ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Ang seremonya at paggawad ng tulong sa mga sumuko ay ginawa sa Balimba Hills Activity Center sa Sitio JBL, Brgy. Sto. Niño, Talaingod Davao del Norte.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal kabilang na si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, Talaingod Mayor Jonnie Libayao, representante ng DILG, DOLE, Provincial Director, at mga opisyal mula sa Philippine Army.

Ang nasabing bilang ng mga sumuko ay mula sa iba’t ibang unit ng komunistang teroristang grupo.

Kasama sa kanilang mga isinuko ang iba’t ibang armas at pampasabog.

Ngayon ay kinikilala bilang “Friends Rescued” tumanggap ang mga dating rebelde ng mga food pack at 1,000 punla ng mga namumungang puno bilang bahagi ng suporta para sa kanilang muling pagsasama sa lipunan.

Sila rin ay makikinabang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip) ng pamahalaan, na nagbibigay ng karagdagang tulong sa mga dating rebelde at sa kanilang mga pamilya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble