NANANATILING suportado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Ukraine.
Binigyang-diin din ng samahan na mahigit 20B euros ang ipinangako nilang tulong pangseguridad para sa Ukraine sa unang tatlong buwan ng 2025.
Nitong Martes, Abril 15 nang bumisita sa Ukraine si NATO Secretary-General Mark Rutte at nakipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Naganap ang kaniyang pagbisita ilang araw matapos tamaan ng dalawang ballistic missile mula sa Russia ang sentro ng lungsod ng Sumy sa Ukraine noong Abril 13.
Nagresulta ito ng pagkamatay ng hindi bababa sa 35 katao kabilang na ang dalawang bata at pagkasugat ng 119 pa.