Navotas Convention Center, inaasahang matatapos ngayong taon

Navotas Convention Center, inaasahang matatapos ngayong taon

PERSONAL na pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang inspection sa construction site ng Navotas Convention Center.

Kasama rin sa nag-inspeksyon ang Bureau of Fire Protection, Department of Public Works & Highways, at Engineering Department ng pamahalaang lungsod upang tiyaking maayos ang isinasagawang konstruksyon ng gusali. Navotas Convention Center

Sa unang palapag matatagpuan ang parking lot, samantalang sa ikalawang palapag ang mga tanggapan, function rooms, ballroom events place para sa mga meetings, seminars at iba pang mga kaganapan.

Mayroon din itong malaking lobby, hallway, elevator, malaking stadium at basketball court na kayang pagdausan ng isang concert na may 40,000 seating capacity.

Naniniwala si Mayor  Tiangco na dahil sa naturang itinatayong ‘world class infrastructure’ ay lalakas ang local tourism at magbibigay inspirasyon sa iba pang mga lungsod sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter