NAGLAAN ng 10 ektarya ng lupa mula sa reserbasyon nito ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para sa produksiyon ng gulay.
Ito ang sinabi ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio P. Catapang, Jr. nitong Martes.
Nagbukas din aniya ng isa pang Kadiwa pop-up store ang NBP nitong Martes bilang regalo kay Secretary Department of Agriculture (DA) at Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang ika-66 na kaarawan.
Paglalahad ng opisyal, ilan sa mga gulay na ibinenta ng Kadiwa ay itinanim at inani ng mga persons deprived of liberty (PDLs).
Mayroong nang 200 ektarya ng bakanteng lupa sa 375.61-ektaryang reserbasyon ang NBP.