NCR, nakapagtala ng mahigit 10 libong kaso ng influenza like illness

NCR, nakapagtala ng mahigit 10 libong kaso ng influenza like illness

NAKAPAGTALA na ng 10,659 na kaso ng influenza like illness ang National Capital Region (NCR).

Ito ay mula Enero 1 hanggang Disyembre 15, 2023.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa lungsod ng Taguig na nakapagtala ng 3,555 o 38.75 percent na kaso ng sakit.

Karamihan naman sa mga tinamaan nito ay mga babae.

Mula naman sa kabuuang kaso, anim dito ang nasawi sa sakit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter