NCRPO, itinaas sa full alert status kasunod ng tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw

NCRPO, itinaas sa full alert status kasunod ng tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw

ITINAAS na sa full alert status ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula ngayong araw Abril 29 hanggang Mayo 1, 2024.

Ito ang tinuran ng tagapagsalita ng NCRPO na si PLtCol. Eunice Salvador Salas.

Kasunod nito ang pagpapakalat ng nasa 7,957 na kapulisan sa buong Metro Manila sa direktiba ni NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartates Jr.

Ang naturang puwersa ay inaasahang magbibigay ng seguridad at matiyak na payapa ang 3-day transport strike ng grupong PISTON.

Samantala, mayroon namang 90 na sasakyan na naka-standby ang PNP upang magbigay ng libreng sakay sa mga maaapektuhang kababayan mula sa nasabing tigil-pasada.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble