MAGKAKAROON na ng comeback ang South Korean boy group na NCT Dream ngayong Hulyo 17.
Ang comeback na ito ay ang release ng kanilang pangatlong full album na may pamagat na “ISTJ”.
Sinasabing maglalaman ito ng 10 mga kanta kasama na ang kanilang title track na may pamagat ding “ISTJ”.
Bago pa man ang full album release, mauunang ilalabas ng NCT Dream ang kantang “Broken Melodies” sa Hunyo 19.
Kaugnay nito, isang linggo bago ang comeback ng grupo ay mauuna ring magpalalabas ng full album ang kanilang labelmate na EXO sa Hulyo 10.
Ang kantang “Let Me In” ay pre-released na rin ng EXO noong Hunyo 12.