NDRRMC, nakapagtala ng 14 nasawi dala ng sama ng panahon

NDRRMC, nakapagtala ng 14 nasawi dala ng sama ng panahon

UMAKYAT na sa 14 ang naitalang nasawi dala ng sama ng panahon dulot ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) 8AM Report, 8 ang kumpirmadong nasawi kabilang na ang 4 mula sa Zamboanga at tig-1 naman mula sa Northern Mindanao, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Metro Manila.

Ayon sa impormasyon ng NDRRMC, nasawi ang 4 dahil sa suffocation matapos na ma-trap sa landslide sa 2 sitio ng Barangay Pamucutan, Zamboanga City.

Samantala, isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Pulangi, Kabacan, North Cotabato.

Habang 2 naman ang naitalang nasawi dahil sa pagkalunod mula sa Pagalungan, Maguindanao del Sur at Quezon City.

Ang ibang nasawi ay hindi naman naisama sa reporting ng NDRRMC kaugnay sa sanhi ng kanilang pagkamatay.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble