NDRRMC, puspusan ang pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal

NDRRMC, puspusan ang pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal

PUSPUSAN ang ginagawang pagbabantay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal.

Ito’y kasabay ng pulong ng matataas na opisyal ng gobyerno.

Tiningnan ni Department of National Defense (DND) Secretary at NDRRMC chairman Gilbert Teodoro, kasama sina Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Hernando Caraig, Jr. at Civil Defense Operations Service Director Cesar Idio ang operations center ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Puspusan ang ginagawang koordinasyon ng NDRRMC sa local government units (LGUs) upang paghandaan ang aktibidad ng mga bulkan sa Albay at Batangas.

Kasabay nito, nagbigay ng direktiba si Teodoro na tuluy-tuloy ang update sa mga bulkan at logistical support lalo na sa paglilikas sa mga residente malapit sa danger zone.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter