NEDA: 3.5 milyong MT ng bigas posibleng angkatin ngayong taon

NEDA: 3.5 milyong MT ng bigas posibleng angkatin ngayong taon

SA datos mula sa National Economic and Development Authority (NEDA), sinasabing tataas ng 3% ang lokal na produksiyon ng bigas ngayong taon, na katumbas ng halos labintatlong (12.89) milyong metriko tonelada.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang lokal na produksiyon noong 2024 na nasa halos labindalawa’t kalahating (12.48) milyong MT.

Ayon sa NEDA, ang lokal na produksiyon ng bigas ay kulang pa rin ng 17% para matugunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa, na tinatayang nasa mahigit 15.54 milyong MT.

Para sa ahensiya, kahit may inaasahang pagtaas sa lokal na produksiyon, hindi pa rin ito sapat.

Kaya kailangan ng Pilipinas na umangkat ng humigit-kumulang 3.5 milyong MT ng bigas ngayong taon.

Paliwanag ng DA sa pag-angkat ng bigas

Paliwanag ng Department of Agriculture (DA), dapat lang na umangkat ng bigas para matugunan ang kakulangan nito.

“Hindi kasi natin talaga siya inaalis upang mabalansiya ang ating lokal na stock. Kasi, kapag nagkaroon tayo ng medyo nakitaan na baka kulang ang suplay, maaapektuhan ‘yung presyo. So, we really want to balance our supplies,” wika ni Asec. Joycel Panlilio, Deputy Spokesperson, Department of Agriculture.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble