NEDA Sec. Balisacan, pormal nang umupo sa kanyang pwesto

NEDA Sec. Balisacan, pormal nang umupo sa kanyang pwesto

PORMAL nang umupo sa kanyang pwesto si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Kaninang umaga, dumalo si Balisacan sa kanyang unang flag raising ceremony bilang head ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Isinagawa rin kanina ang turnover ceremony kung saan binigay ni dating NEDA Chief Karl Kendrick Chua ang NEDA flag at transition notes kay Balisacan.

Ito na ang ikalawang beses na pamumunuan ni Balisacan ang NEDA kung saan ang una ay sa ilalim ng administrasyon ni late President Noynoy Aquino.

Maliban kay Balisacan, pormal na ring umupo ang mga bagong Cabinet secretary ni Pangulong Marcos sa kani-kanilang ahensiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter