PLANONG bumili ng Negros Occidental provincial government ng lupa para sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon.
Magsisilbi na itong permanent relocation site para sa mga apektado.
Posibleng sa Brgy. Talaptap, La Castellana, Negros Occidental ang lokasyon ng bibilhing lupa.
Hindi ito saklaw ng 6-kilometer danger zone ng Bulkang Kanlaon kaya mas ligtas ito.
Maalapit pa rin naman ang relocation site sa kabuhayan ng mga apektadong pamilya at paaralan ng kanilang mga anak.