Netanyahu, isang ‘classic warrior’—FPRRD

Netanyahu, isang ‘classic warrior’—FPRRD

TINAWAG ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na isang classic warrior o mandirigma.

“Kung ito si Netanyahu he’s a classic warrior, hindi ‘yan pampulitiko  si..  You know his brother died fighting the terrorist, pati si Netanyahu sundalo ‘yan,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang ipinahayag ni dating Pangulong Duterte kay Prime Minister Netanyahu, sa pinakabagong episode ng programang Gikan sa Masa, Para sa Masa, kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy.

FPRRD, ihinambing si Netanyahu kay Dating Pangulong FVR

Inihambing din ni Duterte si Netanyahu at si Dating Pangulong Fidel V. Ramos, dahil pareho silang sundalo, subalit:

“He’s not the classic example, the most that I could identify him with, with the Filipino, parang si Ramos ‘yan. But itong si Netanyahu is more warrior. Ramos was a very decent man, sundalo pero was always for peace. Ito si Netanyahu, hindi ito for peace. Even before this war, he was already a wartime president. Pang giyera talaga itong si Netanyahu, and he has lost in elections parliamentary, naging prime minister, elections and parliamentary natalo sila, naalis siya. I think this is the third or fourth time balik,” ayon kay FPRRD.

Tinutukoy ni Digong ang political power ni Netanyahu bilang longest-serving prime minister ng Israel. At anim na beses na itong nanungkulan sa nasabing puwesto sa loob ng mahigit 16 na taon.

Naging ambassador din si Netanyahu, at nagsilbi bilang Deputy Minister of Foreign Affairs, at deputy minister sa isang prime minister’s coalition cabinet, ngunit bago nangyari ang lahat ng ito, naging parte muna si Netanyahu ng sandatahang lakas ng Israel, at napabilang sa elite special operations unit na “Sayeret Matkal.”

Noong 1973, kabilang si Netanyahu sa mga sundalong lumaban sa digmaang Yom Kippur, na binansagan ding ‘Ramadan War’, ito ang ikaapat na giyera sa pagitan ng mga Israeli at Arabo kung saan biglaang inatake ng Egypt at Syria ang Israel.

Ayon sa kasaysayan, nanaig ang Israel sa nasabing digmaan ngunit mahigit 2,500 na Israeli ang nasawi, at libu-libong Egyptian at Syrian din ang namatay.

At ngayon, marami ang inihahalintulad ang masalimuot na kaganapan sa Yom Kippur sa biglaang pag-atake ng teroristang Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023.

Ang biglaang pag-atake ng Hamas ang siya ring nagpatigil ng malawakang political divide at protesta ukol sa judicial overhaul sa Israel.

Limang dekada at isang araw ang nakalipas, si Netanyahu ay muling nahaharap sa isang giyera, ngunit ngayon, siya ay tumatayong lider ng bansa.

FPRRD, mariing kinondena ang teroristang Hamas

Samantala, mariing kinundena ni Dating Pangulong Duterte ang pag-atake ng Hamas sa mga sibilyan.

At kung siya ang tatanungin kung ano ang kaniyang gagawin kung siya ay nasa posisyon ngayon ng Israeli Prime Minister, ito ang kaniyang sinabi:

“Israel has an atomic bomb. I think it is only Israel that has an atomic bomb dyan sa Middle East. Ihulog ko na lang ‘yan, sabihin ko p*** tapos tayong lahat, ‘wag mo akong ganunin. So if there is a representative of the Jewish State of Israel, pakipasa lang kay Netanyahu the Prime Minister, na kung ako, ‘yan ang gawin ko. At ako naman if you are an Arab state, was the cranial mass inside your brain. You must condemn, and just say my neighbor, my brother Arab, please do not do it in exert,” ayon pa sa Dating Pangulo.

FPRRD, may mensahe para kay PM Netanyahu

“So, my advice to Netanyahu, if there is a representative of Israel listening now, gawin ninyong malaking sementeryo ‘yan, pulpugin ninyo lahat, pati lahat na,” aniya.

“Kung ako ang may atomic bomb, ihulog ko talaga ‘yan. Alam mo kung saan ko ihulog? Sa Iran, because itong (Iran) na ito, ang amo ng Hamas,” dagdag ni FPRRD.

Iginiit din ni FPRRD na dapat mapuksa na ang mga teroristang grupo na tulad ng Hamas.

“‘Yung sinabi ng Hamas tama ‘yung ginagawa nila, P**** what the sh** tama ‘yung pagpatay ng mga inosente? Ubusin mo ‘yang Israel army for all I care, you can massacre them all, but you should not harm even one single innocent civilian. He may be an Arab, Palestine or ‘yung mga tourist doon French, German, kasali na. It’s a tinderbox because kung Philippines, even one Filipino ang ginawa mo sa ganun, I will go to war,” ayon pa kay Dating Pangulong Duterte.

“We have to eliminate this.  Hindi pwede yan [pwede mag ganun na rulers of masons or groups, violent terrorist groups to have their way and just kill people…without rhyme of reason,” dagdag nito.

Israel patuloy ang pag-atake sa Gaza Strip para pulbusin ang Hamas Group

Matatandaan na nagpakawala ang Israel ng retaliatory strike sa Gaza Strip. Naglunsad din ito ng blockade at ipinatigil ang suplay ng pagkain, tubig, medisina, kuryente, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

“So, itong mga high-profile, with so much influence on the Arab affairs should think now of how to correct things, if it can be corrected. Kasi kung ako si Netanyahu, pupulpugin ko ‘yang Hamas,” diin ni Duterte.

“I will level it to the ground para wala nang Gaza. No more Gaza to fight (for). I will make it a dead place, kasama na ‘yung matamaan ng bomba. I will forget about Gaza. I will just still, mga Israel, bumalik na kayo, hanap kayo ng pwesto dito sa mga lugar natin at kayong mga Palestine. The good ones, the innocent ones, umatras kayo kasi pupulpugin ko ito and I will make it the biggest cemetery in the world. Kung ako ‘yan talaga ang gagawin ko,” aniya.

“Am I violent man? Yes. if there is reason to be violent and angry. Walang problema ‘yan. Am I excessively… ..we are not created equal,” ani FPRRD.

“I will say that this is not to side with Israel, we have always been neutral maski ako noong presidente ako. The Arab is good, Israel is good. Ang akin, I feel for the Muslims in the Middle East and I love the Muslims—the Filipino Muslims in this country. But there has to be a reason and a time for reckoning for everything, it’s out of tune and it has harmed so many people,” giit ni Duterte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter