MAGBUBUKAS ng mass vaccination hub ang New South Wales (NSW) sa Homebush sa Sydney upang makatulong sa COVID-19 vaccination roll-out sa estado.
Ang clinic na ito ay nakatakdang magbigay ng 30,000 dosis ng bakuna kada linggo.
Bukod dito ay isa pang 30,000 na dosis kada linggo ang ibibigay sa 100 na iba pang site sa buong estado.
Ayon kay NSW Health Minister Brad Hazzard, umaasa ang mass vaccination hub sa kakayanan ng commonwealth na makapagbigay ng mga dosis ng bakuna.

Dagdag pa dito, sinabi nya na ginagawa ng NSW ang dapat nitong gawin upang matulungan ang mga mamamayan na mabakunahan sa oras na maibigay na ng federal government ang bakunang gagamitin.
Samantala, matatagpuan ang hub na ito sa commercial building ng gobyerno.