NASUNGKIT ng K-pop girl group na NewJeans ang kanilang kauna-unahang award sa isang Japanese Award Ceremony.
Sa MTV Video Music Awards Japan 2023, nakuha nila ang “Best Buzz Award”.
Ibinibigay ang nabanggit na award sa mga artist na may videos at kantang lubos na nakakakuha ng atensiyon sa viewers mula Oktubre 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2023.
Ang MTV VMAJ ay Japanese version ng MTV VMA ng Estados Unidos.