NFA, muling pinayagan na bumili at magbenta ng bigas

NFA, muling pinayagan na bumili at magbenta ng bigas

MULING pinayagan ng Department of Agriculture (DA) ang National Food Authority (NFA) na muling bumili at magbenta ng bigas sa murang halaga.

Ito ang sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa layuning ma-stabilize ang presyo ng bigas sakaling sobrang tumaas ang retail price nito.

Ayon pa kay De Mesa, ang magandang kalidad at mababang halaga ang ibebentang bigas ng NFA kumpara sa kasalukuyang presyo sa merkado na nasa pagitan ng kwarenta’y otso hanggang singkwenta’y tres pesos kada kilo.

Pero nilinaw din ni De Mesa na ang normal function pa rin ng NFA ay bumili ng palay sa mga magsasaka at gagawin lamang ang pagbebenta sakaling magkakaroon ng isyu sa supply o sa presyuhan ng bigas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter