SINABI ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) spokesperson Cynthia Alabanza na mainam subalit hindi madaling maitayo ang isang power plant.
Aniya, maganda ito lalo na at sinasabi na ng NGCP ang pagninipis ng suplay ng kuryente ngayong tag-init.
Ayon kay Alabanza, dapat mayroong 10 taong planning ang pamahalaan at kasama na rito ang pagtatayo ng power plants upang matiyak na hindi mas mataas ang demand kung ikukumpara sa suplay.
Nitong Mayo 8, 2023, isinailalim sa ‘red alert’ ang Luzon Grid bandang 1pm – 4pm.
Bandang 5pm nang naibalik ang normal na operasyon ng mga planta.