INANUNSIYO ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng mababang singil sa kuryente ngayong buwan.
Sa ibinahagi, ang kabuuang transmission rate ay nasa 43.36 sentimos hanggang P1.0904 kada kilowatt hour, kumpara sa P1.5240 noong nakaraan.
Ang pagbaba ay dulot ng mga pagbabago sa transmission wheeling rate at ancillary services rate.
Kaugnay rito, nauna nang sinabi ng Meralco na magbabawas sila ng 75 sentimos kada kilowatt hour sa kanilang household rate dahil sa mas mababang generation at transmission charges.