NGCP, inanunsiyo na “fully restored” na ang Panay sub-grid

NGCP, inanunsiyo na “fully restored” na ang Panay sub-grid

FULLY restored na ang suplay ng kuryente sa Panay Island nitong hapon ng Biyernes, Enero 5.

Ayon ito sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa 12 PM report ng NGCP, nakakuha sila ng 300 megawatts na power para ma-stabilize ang suplay ng kuryente sa Panay Island.

Ang 300 megawatts ay mula sa Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na may 135 megawatts capacity at na-isynchronized sa Panay sub-grid 1:33 ng madaling araw dahilan para magkaroon na ng stable na suplay ng kuryente sa nabanggit na apektadong lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble