NGCP, naghahanda na para sa nalalapit na 2022 National Elections

NGCP, naghahanda na para sa nalalapit na 2022 National Elections

NAKATAKDANG i-activate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 24/7 operations ng kanilang overall command center mula Mayo 8 hanggang Mayo 10, 2022.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda ng NGCP para masiguro ang power transmission operations at mga pasilidad ngayong 2022 National and Local Elections.

Ayon sa NGCP, naglatag na ng preparatory activities ang NGCP’s Power Task Force Elections (PTFE), isang special team na binuo para matiyak ang seguridad at pagiging maaasahan ng transmission network sa buong bansa sa panahon ng halalan.

Nakahanda na anila ang sariling contingency plan ng NGCP para i-monitor at agad na matugunan ang anumang grid disturbance.

Sinabi ng NGCP na sususpendihin ang maintenance works at construction activities sa loob ng substations at sa loob ng 300 meters ng energized power lines mula Mayo 2 hanggang Mayo 16.

Sususpendihin rin ang mga aktibidad na nangangailangan ng power interruption mula Abril 24 hanggang Mayo 8, 2022 maliban sa mga emergency cases.

Target naman na matapos bago mag-Abril 30 ang corrective works na maaring maging dahilan ng major grid disturbance, line inspection at clearing.

Mag-iisyu naman ang NGCP ng mga abiso sa power situation kada apat na oras, depende sa sitwasyon sa ground.

Dagdag pa ng NGCP, kasalukuyan nang aktibo ang overall command center na may nakaduty na personnel mula 8am-5pm, Lunes hanggang Linggo kabilang na ang holiday, a monitoring grid disturbances at ang overall power situation.

BASAHIN: Kontra BrownOut Party-list, isinusulong na maibalik sa tao ang pamamahala ng kuryente

Follow SMNI News on Twitter