NGCP, sinimulan na ang restoration work sa mga apektado ng Bagyong Agaton

NGCP, sinimulan na ang restoration work sa mga apektado ng Bagyong Agaton

SINIMULAN na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagpanunumbalik ng linya ng kuryente sa mga apektadong lugar ng Bagyong Agaton.

Ayon sa NGCP, labing tatlong line gangs o isang daan line personnel ang kanilang idineploy sa Baybay, Leyte para sa clearing at restoration work ng kanilang apat na tower sites.

Sa Baybay, Leyte, may apat na steel towers na bumubuo sa Ormoc-Maasin 138 KV line ang napinsala dahil sa landslide.

Maglalagay din ng emergency restoration system ang NGCP sa Bohol para temporaryong maibalik ang kuryente.

Follow SMNI News on Twitter