NIA pinabulaan ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang sanhi sa pagbaha sa Cagayan

NIA pinabulaan ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang sanhi sa pagbaha sa Cagayan

PINABULAAN ni National Irrigation Administration (NIA) administrator Benny Antiporda na ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang sanhi sa pagbaha sa Cagayan.

Ani Antiporda, mali ang impormasyon na ang Magat Dam ang sanhi ng pagbaha, dahil 16% lamang ang total volume ang kaya ng tubig sa Cagayan River.

Dagdag ni Antiporda, ang water level ng Magat Dam ay nasa 190.92 meters at may spilling level na 193 meters above sea level.

Patuloy namang magpapakawala ng tubig ang nasabing dam hanggang Biyernes dahil sa posibleng pagtama ng Bagyong Queenie sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter