NIA, planong maglagay ng isa pang stopper sa Bulo Dam matapos ang pagbaha sa San Miguel, Bulacan

NIA, planong maglagay ng isa pang stopper sa Bulo Dam matapos ang pagbaha sa San Miguel, Bulacan

PLANO ng National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng isa pang stopper sa itaas na bahagi ng Bulo Dam sa San Miguel Bulacan.

Ito ang tinitingnan ng NIA matapos isisi sa Bulo Dam ang pagbaha sa bayan ng San Miguel na ikinasawi ng limang rescuer noong kasagsagan ng Bagyong Karding.

Sa Laging Handa public briefing, nilinaw ni NIA administrator Benny Antiporda na nakatulong ang Bulo Dam sa mga kabahayan para mapigilan ang mas malaking tubig na pumasok sa lugar.

Ayon kay Antiporda, ang nasabing dam ay isang open dam na may spilling level na 76 meters at pumipigil sa maraming tubig na nanggagaling sa Sierra Madre.

Sa ngayon, sinabi ni Antiporda na pinatitingnan na nila ang upstream kung saan maaring maglagay ng isa pang stopper upang ma-contain ang marami pang tubig at matiyak na hindi na mangyayari ang kaparehong insidente sa hinaharap.

Follow SMNI NEWS in Twitter