Niana Guerrero nag-debut sa Coachella stage kasama si D4vd

Niana Guerrero nag-debut sa Coachella stage kasama si D4vd

PASABOG ang debut performance ng Filipino dance sensation na si Niana Guerrero sa kilalang music festival na Coachella!

Kasama niya sa stage ang American singer na si D4vd, kung saan humataw si Niana habang kinakanta ng singer ang funk-inspired disco-pop track na “Feel It”!

Kitang-kita sa performance ang kaniyang energetic at signature dance style na talaga namang nagpa-WOW sa crowd.

Ibinahagi ni Niana sa kaniyang Instagram account ang ilang larawan at BTS moments ng kaniyang unforgettable Coachella experience—siyempre kasama si D4vd!

Dahil sa kaniyang world-class dancing skills, hindi na bago para kay Niana ang makatrabaho ang international stars. Kamakailan lang, nakasama niya ang BTS star na si J-Hope sa kaniyang solo concert sa Pilipinas, at dati na rin siyang nakapag-dance collab kay Lisa ng BLACKPINK.

Big congratulations, Niana! Isa na namang milestone ang naabot mo bilang isang proud Pinay talent.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble