PANIBAGONG milestone ang nakamit ni Rosé ng Blackpink dahil Rank 8th ngayon ang kaniyang kantang ‘A-pa-teu’ featuring Bruno Mars sa Billboard Hot 100.
Ito ang ‘highest position’ ever na narating ng isang female K-pop artist sa songs chart.
Maliban pa sa Hot 100, pasok din ang kanta sa Billboard Global, at Billboard Global Excluding Us Charts.
Ang kantang ‘A-pa-teu’ ay ini-release noong Oktubre 18 at isa ito sa tracklist ng magiging kauna-unahang full-length album ni Rosé.
Pinamagatang ‘Rosie’, ang nabanggit na full-length album ay ilalabas naman sa Disyembre 6.
Follow SMNI News on Rumble