No Warrant, No Surrender –Bantag

No Warrant, No Surrender –Bantag

No warrant, no surrender.

ITO ang sinabi ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Dir. General Gerald Bantag na sangkot sa pagkamatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ani Bantag na masyadong nagmamadali si Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla na makulong siya kung saan hindi pa naman nasisimulan ang preliminary investigation sa kaso ni Mabasa.

Inamin ng suspended BuCor na naging maganda ang relasyon niya kay Remulla bago pa madawit ang kanyang pangalan bilang mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid.

Matatandaan naglabas na ng subpoena ang Department of Justice kay Bantag at sa dalawa pang sangkot nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter