ISINAPUBLIKO na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang opisyal na mga nominees at special award recipients ng kanilang gaganaping 40th Star Awards for Movies.
Ang makatatanggap naman ng Dekada Awards ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, at Piolo Pascual.
Nakabatay ang pagbibigay ng Dekada Awards sa bilang ng acting awards ng isang artist sa loob ng 40 taon ng Star Awards for Movies.
Samantala, nominated naman para sa Movie of the Year award ang Family of Two; Firefly; Five Breakups and a Romance; GOMBURZA; Mallari; Rewind; at When I Met You in Tokyo.