North Korea, nakagawa na muli ng bagong 3,000-ton submarine

NAKAGAWA na muli ng bagong 3,000 ton na submarine ang North Korea.

Naniniwala ang South Korea at U.S. intelligence authorities na ang North Korea ay handa na sa paglulunsad ng bagong 3,000 ton na submarine nito.

Ayon sa intelligence authorities, ang 3,000 ton submarine na inilabas noong Hulyo taong 2019 at kayang magdala ng 3 submarine launched ballistic missiles o SLBM.

“The authorities assess that North Korea is reviewing the right timing to roll out the submarine for a strategic effect, including maximizing pressure against the United States,” .

Ayon sa isang ulat, ang Norte ay posibleng ipakita ang submarine sa isang launching ceremony at ipakita ang isang SLBM gaya ng Pukguksong – 3.

Ang assessment na ito ay kasunod ng pahayag ng U.S. think tank na ang Norte ay inilipat ang submersible missile test barge nito sa missile test site sa kakaibang posisyon.

Ang bagong submarine na ito ay pinaniniwalaang isang modified romeo-class at aabot umano sa 80 metro ang haba at 7 metro ang lawak.

Samantala, ayon kay Yonhap, ang North Korea ay pinaniniwalaan ding nakabuo ng isang mas malaking sukat na submarine na inaasahang malagyan ng mga bagong SLBM.

(BASAHIN: North Korean leader Kim Jong Un, nagpulong para sa ugnayan nito sa South Korea)

SMNI NEWS