NOTAM inilabas kasunod ng Alert Level 3 ng Bulkang Kanlaon

NOTAM inilabas kasunod ng Alert Level 3 ng Bulkang Kanlaon

NAGLABAS ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng mga flight na malapit sa Bulkang Kanlaon kasunod ng pagtaas sa Alert Level 3 ng bulkan.

Epektibo ang naturang NOTAM mula alas-5:33 ng umaga ng Mayo 13 hanggang alas-2:55 ng madaling araw ng Mayo 14.

Ang Alert Level 3 ay indikasyon ng mataas na antas ng volcanic unrest. Dahil dito, pinapayuhan ang mga piloto at airline operators na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng Bulkang Kanlaon dahil sa banta ng volcanic ash na maaaring makapinsala sa mga sasakyang panghimpapawid.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CAAP sa mga aviation stakeholder upang matiyak ang kaligtasan ng flight operations sa mga apektadong lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble